| MAKABAGONG TREN MULA ILOCOS HANGGANG BICOL ISUSULONG NI BAYANI |
|
BAGUIO CITY- Inihayag ni Bagumbayan Party Vice Presidential Candidate at dating Chairman ng MMDA na si Bayani Fernando na pagtutuunan niya ng pansin ang modernisasyon ng ‘mass-transport system’ o sasakyang tren na maglalakabay mula Ilocos Norte hanggang Bicol Region. Paliwanag ni Bayani na panahon na upang pabilisin at gawing ligtas ang pagbiyahe ng mga tao gayun din ang mga produktong ani mula sa mga lalawigan patungong kalunsuran at ang mass-transport o tren ang isang sagot dito. Ani Bayani, ang Baguio City na summer Capital ng Bansa ay dinarayo ng maraming turista taun-taon at ito ay mapaparami pa kung may mabilis na transportasyon patungo at palabas dito. Marami ring mga kalakal ang nagmumula dito na dinadala sa mga pamilihan sa kapatagan ngunit dahil sa layo ay lumalaki ang halaga ng pangangalakal nito kaya’t nagiging mahal ang presyo ng produkto. “Maraming bansang maunlad na may modernong transport system. Ang kailangan natin ngayon ay moderno, mabilis at ligtas na transportasyon na magdadala ng tao at kalakal sa bawat panig ng ating bansa at ako po bilang Engineer o inhinyero ay nagaalay ng aking serbisyo upang gawin ito para sa ating kababayan,” ani Bayani na dating Mayor ng Marikina at dating Kalihim ng Department of Public Works and Highways. Sa kanyang pagbisita sa Mt. Province, dinalaw din ni Bayani and ilang mga highway at lugar na nasira ng landslide nung nakaraang taon bunga ng bagyong Ondoy at Pepeng tulad ng Kennon Road, Marcos Highway, Naguilian Road at mga lugar sa La Trinidad Benguet. Ang pag-ikot ni Bayani sa lugar suot ang kanyang Safety Hat na pang-Inheniyero ay hinangaan ng mga residente, isang pagpapatunay na si Bayani ay tunay na seryoso sa kanyang mga hangarin at may sapat na kakayahang isaayos ang mga inprastrakturang kinakailangan upang numunlad ang bansa. “Ang kailangan natin ay lider na Inhinyero tulad ni Bayani na makakatulong sa atin lalo na sa pagsasaayos ng mga nasira ng kalamidad. Ang political will ni BF ay subok na natin. Si Bayani angkailangan natin, nagtatrabahong bise presidente at hindi puro daldal lang,” bigkas ni Manong Ben, isang resident eng La Trinidad, sa salitang Ilokano. Si Bayani ay tumatakbong bise president at running mate ni Bagumbayan Standard Bearer Senador Richard Gordon. (Saksi.Matrch 2, 2010)
|








