MAKABAGONG PATUBIG AT KONTRA-BAHANG PROYEKTO SA NORTE TUTUTUKAN NI BAYANI

Pangasinan - Mga makabagong sistemang patubig sa mga taniman at mga pasilidad kontra baha o flood control facilities ang tututukan ni Bagumbayan Vice Presidential Candidate at dating MMDA Chairman Bayani Fernando.

Ang balitang ito ang kinatuwa ng mga magsasaka at residente ng San Carlos, Villasis at Manaoag Pangasinan kamakailan nang bumisita si Bayani dito kasama ang kanyang ka-tandem at standard bearer ng Bagumbayan Party na si Senador Richard Gordon.


Sinabi ni Bayani ang kaukulangan sa mahusay na patubig o irigasyon ay ang sanhi ng pagkatuyo ng lupa at pagkalugi ng mga magsasaka. Dagdag pa niya marami rin ang napipilitang anihin nang wala sa panahon ang mga pananim na nagiging sanhi ng pagkakulang sa supply ng bansa, partikular ang palay, tubo at mais.

Ayon kay Bayani dahil sa kakulangan sa supply ng mga pangunahing produkto tulad ng bigas ay nagkakaroon ng dahilan ang gobyerno na umangkat ng daan-daang toneladang bigas sa ibang bansa tulad ng Vietnam, Thailand at Estados Unidos matustusan lamang ang pangangailangan ng bansa.

“Napakalaking halaga ang nababawas sa kaban ng bayan dahil sa pag-import ng bigas. Kung naglaan na lang sana ng pondo para sa makabagong patubig o irigasyon at tinuruan ang mga magsasaka ng mga makabagong paraan sa agri-business ay hindi na sana tayo nagkaroon ng shortage sa pagkain at hindi na tayo gumastos ng bilyun-bilyon,” Paliwanag ni Bayani, dating Mayor ng Marikina.

“Marami tuloy ang nagtataka at nag-sususpetsya kung bakit madalas mag-angkat ng mahal na bigas ang gobyerno gayong maliit lamang ang halaga na gugugulin para sa mga irigasyon na magagamit pa sa mahabang panahon o long-term pa ang pakinabang. Madalas ay dinadahilan na lamang ang anahon ng tag-init para ma justify na lamang ang kanilang desisyon,” diin ni Bayani, na isang Mekanikal Engineer.

Marami sa mga magsasakang nakapanayam ng dating MMDA Chairman ay naniniwala  na isang Engineer na tulad ni Bayani ang lulutas sa kanilang problema sa patubig, gayundin din sa suliranin sa baha pa dating ng tag-ulan kung kaya’t suportado nila ang kanidatura nito

Si Bayani ay tumatakbong bise presidente at running mate ni Senador Richard Gordon sa ilalim ng Bagumbayan Party.

(Saksi. Feb 25, 2010)