The Importance Of Being Bayani

Commuter Express
By: Jonathan Vicente
Introduction By: Manny Marinay

Photos by: Teddy Pelaez

 

20/20: 20 Questions for BAYANI FERNANDO

Former MMDA Chairman Bayani Fernando is best remembered for his pink footbridges and fences as well as signages, which he generously used in changing Metro Manila’s landscape. He transformed Marikina into a green and bustling city. Post Ondoy, Bayani and his beautiful wife Marides rallied their constituents in Marikina to rebuild their lives. Bayani’s brand of discipline is both popular and unpopular. In this one-on-one interview, Bayani reveals his character and gives us reasons to hope for a better country.

What is your reaction to the decision of your successor to replace the color pink you have established in MMDA with green?

Bayani Fernando: Para sa akin ay subukan muna nila ang pink dahil ang green ay sadyang madilim sa paningin ng tao. Sayang naman dahil sa kulay na pink ay nagkaroon na tayo ng pagkakakilanlan.

Sa tingin nyo ba ay nagging political color na ang pink ngayong tatakbo kayo bilang vice president?

BF: Political color siguro sa ngayon, pero para sa akin yung sinasabi nila na ang pink ay political color ng aming grupo ay hindi totoo. Halos lahat naman kasi ng kulay ay may kaugnay sa politika, kapag ginawa mo namang red yan kulay naman ng ibang kandidato yan.

 

Paano nagsimula ang pag-gamit ng MMDA as kulay pink, paano ito nagsimula.

BF: Alam mo ang pink ay kulay ng malusog na laman. Kaya nga may kasabihan na “in the pink of health.” Hindi ito ang paborito ko na kulay, ang paborito ko ay baby blue sadya lang na very meaningful ang color pink. Nahirang nga ang Marikina ng World Health Organization na Center for Health City Initiative noon dahil sa aming programa.

Bakit mo napili na tumakbo bilang vice president sa ilalim ni Sen. Dick Gordon?

BF: Ako sana ay talagang balak tumakbo ng bilang presidente subalit nawalan ako ng partido. Sa aking paghahanap ay nakausap ko si Dick Gordon pero sa halip na siya ang kumbinsihin ko ay ako ang nakumbinsi niya na maging bise president niya. Kung tutuusin ay mas mahaba naman ang kanyang experience sa public service.

Bakit po si Sen. Gordon ang napili niyong katambal?

BF: Halos pareho kasi kami ng programa at yung aming tandem ay talagang maganda ang chemistry.

May naiwan bang sama ng loob sa inyo nang hindi ka mapili ng Lakas na kanilang maging standard bearer.

BF: Hindi, wala. Talaga lang na ganyan ang politika. Malay natin isa itong blessing in disguise para sa akin.

Sa tinging nyo ba inabandona kayo ng Lakas?

BF: Iba ang pananaw ko dyan dahil marami pa namang Lakas members ang sumusuporta sa akin at sa aking programa.

Are you against urinals for women?

BF: No, no, I’m not against it, it is just urinals for women need extra effort for maintenance.

What’s your legacy at MMDA?

BF: In a nutshell ang naiwan kong legacy sa MMDA ay yung mga kunsepto, yung mga concept ng aming mga programa na naging epektibo naman para ibalik ang kaayusan at disiplina sa Metro Manila.

Totoo po ba na kumita ang kumpanya nyo sa mga itinayo nyong footbridges at fences noon sa MMDA?

BF: Hindi totoo yon, walang naging proyekto ang aking kumpanya sa mga itinayong footbridges at fences sa MMDA, bawal kasi yun. Sa katunayan nga ay nagbuo ako sa MMDA ng sariling talyer upang doon na lang gawin ang mga kailangan itayo na mga proyekto ng MMDA.

 

Reaction po ninyo sa sinabi ng inyong successor sa MMDA na wala kayong legacy na iniwan sa MMDA?

BF: No comment ako dyan.

Why should we vote for Bayani Fernando, the Transformer?

BF: Para tumino at yumaman tayo at ang ating bansa.

What are your chances in this election?

BF: Performance.

Sinasabi nila na masyado daw kayong “stiff” at isnabero, ganun po ba kayo sa personal?

BF: Alam mo talagang hindi ako maganda sa kamera kaya siguro ganun ang observation nila.

Do you still have time to bond with your family?

BF: Limitadong limitado na lang ang oras ko sa pamilya, dahil sa trabaho at sa paglingkod sa bayan. Kailangan talaga ng sakripisyo dito.

How do you relax?

BF: Nagre-relax ako kapag nag-iisip ako. Kapag nag-iisip ako ng mga pamamaraan paano mapapabuti ang mga bagay bagay. Yun ang aking form of relaxation.

Kung sakaling hindi kayo palarin na manalo, ano ang iyong susunod na career move?

BF: AKo ay pwede na mag-retire, siguro magpatuloy sa aking negosyo o sa public service.

In the event naman na kayo ay mahalal na maging vice president, what is the first step you want to accomplish?

BF: Unang una yung pagpapatupad ng aking paninindigan, yung aking political will. Yung pagbibigay ng disiplina at productivity sa ating kapwa Pilipino dahil ito ang isa sa mga susi ng ating pag-unlad.

Ano masasabi nyo sa inyong mga “detractors” lalo na ngayon ay panahon ng election?

BF: Aba ay dapat pagbutihin ninyo, baka matalo ko kayo?

Any message to our fellow Filipinos?

BF: Ang ipinaglalaban ko po ay para rin sa kapakanan n gating bansa. Nais ko lamang na ang mga namumuno ay maging mabuting halimbawa sa ating kapwa tao, huwag matakot sa mga tao, huwag matakot na ipatupad ang batas dahil walang ibang paraan upang tayo ay tumino, walang ibang paraan para mahango natin ang ating bayan sa kahirapan.